MANILA, Philippines - Inaprubahan ni Majority Floor leader Councilor Ariel Inton ang pagpapalabas ng “calamity fund” para magamit sa pagtulong sa mga biktima ng dumaang delubyo noong nakaraang Sabado.
Ayon kay Inton, ang buong konseho ng Quezon City ay nakipagtulungan kay Mayor Sonny Belmonte para makapaglabas ng eksaktong halaga ng calamity fund para maipangtustos sa pagkukumpuni ng mga strukturang nasira at ipambili ng mga relief goods.
Pagkakalooban din ng financial assistance ang pamilya ng mga namatayan at ang mga biktima na hanggang ngayon ay apektado ng kalamidad. Personal naman pinamunuan ni Inton ang rescue at relief operations sa kasagsagan ng bagyong Ondoy. Bukod pa ang feeding program sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Agno st., Brgy Tatalon.
Tinukoy ni Inton ang barangay Silangan sa lungsod bilang pinakamalaking napinsala ng bagyo kung saan namatay ang 30 katao at 300 pa ang nawawala. (Ricky Tulipat)