^

Bansa

'Impeach Gutierrez' ibinasura

-

MANILA, Philippines - Tuluyan ng ibinasura ng House Justice Committee ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gu­tierrez.

Sa botong 37-5, ibina­sura ang nasabing rekla­mo laban kay Gutierez kung saan idineklara ni committee chairman at Quezon City Rep. Matias Defensor, na ito ay “insufficient in form” and “substance”.

Sinubukan naman ni Akbayan Rep. Rissa Hon­tiveros-Baraquel na siyang endorser ng impeachment complaint na harangin ang nasabing botohan.

Hiniling ni Baraquel at ng mga kakampi nitong kongresista na makakuha muna ng kopya ng position paper bago tuluyang bu­moto.

Ngunit ikinatuwiran ni Defensor na binibigyan lang ang bawat isang mam­­babatas ng isa’t ka­lahating oras para ma­ibigay ang kanilang opin­yon at kasu­nod na nito ang botohan.

Hinikayat naman ni Defensor ang mga natalong mambabatas na isulong sa plenaryo ang kanilang argu­mento lalo pa at naisumite na dito ang komite report. (Butch Quejada)

vuukle comment

AKBAYAN REP

BARAQUEL

BUTCH QUEJADA

GUTIEREZ

HOUSE JUSTICE COMMITTEE

MATIAS DEFENSOR

OMBUDSMAN MERCEDITAS GU

QUEZON CITY REP

RISSA HON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with