^

Bansa

Palasyo ginawang evacuation center

-

MANILA, Philippines - Ginawa na ring evacuation center ang Malaca­ñang Palace matapos itong iutos ni Pangulong Arroyo kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde na magiging katulong ni Presidential Management Staff chief Hermogenes Espe­ron Jr. ang anak ng Pa­ngu­lo na si Evangeline Lour­des “Luli” Arroyo-Bernas kasama ang mga hipag nitong sina Angela Monte­negro-Arroyo at Maria Victoria “Kakay” Manotok-Arroyo. sa panga­ngasiwa ng national relief operations center.

Ayon naman kay Pa­ ngu­long Arroyo, ang pag­kakaisa ang mahalaga sa panahong ito ng kalamidad kaya inialok niya mismo ang Palasyo para maging pansamantalang tuluyan ng mga kababayang nasa­lanta ng bagyong Ondoy at dumanas ng matinding pagbaha.

Iginiit pa ng Pangulo, tu­loy-tuloy ang ginaga­wang pagtutok ng gobyer­no upang mailigtas ang na­lalabing biktima ng bagyo na hanggang ngayon ay nasa bubungan pa rin ng kanilang bahay at nakalu­bog sa tubig baha ang kanilang mga bahay.

Samantala, nagsaga­wa ng voluntary fund drive ang mga empleyado, staff at mga kongresista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para tulungan ang mga nasalanta ni Ondoy.

Magbibigay ang mga kongresista ng hindi ba­baba sa P20,000 kada isa para sa mga biktima ni Ondoy.

Sa Office of the Secretary General ang drop center ng lahat ng mga donas­yon na ibibigay ng mga empleyado, staff at mga kongresista para sila na­man ang mamamahagi nito sa mga bitkima ng bagyo. (Rudy Andal/Butch Quejada)

ANGELA MONTE

BUTCH QUEJADA

EVANGELINE LOUR

HERMOGENES ESPE

MABABANG KAPULUNGAN

MARIA VICTORIA

ONDOY

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with