Oil rollback ng Shell ipinatupad

MANILA, Philippines - Nagbawas ng presyo ng diesel at gasolina ang Pilipinas-Shell Corporation bilang pagsunod sa galaw ng presyo ng krudo sa internasyunal na pa­milihan.       

Sinabi ni Shell vice-president for communications Bobby Kanapi na P1 ang ibinaba sa ka­ nilang gasolina kada litro ha­bang P.50 sentimos na­man sa kanilang diesel. Epektibo ang natu­rang rollback dakong alas-6 kamakalawa ng gabi.

Upang makatulong naman sa mga motorista na lumubog sa baha, hindi magbabago ng presyo ang Shell ng kanilang mga “lubricants” na langis sa buong buwan ng Oktubre dahil sa inaasahan na marami ang magpapa-change oil ng kanilang mga sasakyan. (Danilo Garcia)

Show comments