^

Bansa

Nasawi kay 'Ondoy' aabot sa 200

-

MANILA, Philippines - Pinangangambahang umabot sa humigit kumu­lang sa 200 katao o higit pa ang nasawi sa delubyo ng hagupit ng malakas na bagyong Ondoy mata­pos sakmalin ng malawakang agos-baha at blackout noong Sabado ang Metro Manila at karatig na mga lalawigan.

Iniulat ng National Disaster Coordinating Coun­cil na 86 katao ang na­sawi kabilang ang pito sa National Capital Region, isa sa Cabugao, Apayao, 22 sa Region III kasama ang 10 sa Bulacan at 12 sa Ara­yat, Pampanga; 56 sa Re­gion IV A (isa sa Calaca, Batangas; isa sa Ca­lauag, Quezon; 23 sa Tanay, Rizal; 10 sa An­gono; lima sa Baras; tatlo sa Montalban at isa sa Teresa sa Rizal; dalawa sa Cavite at lima sa Laguna.

Gayunman, sinabi ni Defense Secretary at NDCC Chairman Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr. na hindi pa kasama sa 86 bilang ang 25 pang nasawi sa Quezon City; 58 sa Mari­kina City at 17 sa Antipolo City o nasa 186 katao.

Si Teodoro at iba pang mga opisyal ay nagsaga­wa ng aerial survey sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ondoy kahapon kabilang na ang Metro Manila at Pampanga.

Iniulat naman ng Pa­rish Pastoral Council ng San Isidro at ng mga lokal na opisyal na nasa 36 katao ang nasawi sa malakas na agos ng tubig baha sa Barangay Sila­ngan, Quezon City mala­pit sa Batasang Pam­bansa habang nasa 100 pa ang nawawala.

Marami pa rin ang pinaghahanap at pinani­niwalaang nasawi sa flashflood sa mga lugar na naapektuhan ng gra­beng pagbaha.

Ayon sa isang opisyal ng Philippine Army, nasa 100 katao ang tinangay ng rumaragasang tubig-baha sa Barangay Ta­bing-Ilog sa Tanay, Rizal na magpahanggang nga­yon ay pinaghahanap pa rin ng kanilang pamilya. (Joy Cantos)

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SILA

BARANGAY TA

BATASANG PAM

CHAIRMAN GILBERTO

DEFENSE SECRETARY

METRO MANILA

QUEZON CITY

RIZAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with