Pagdinig sa mga korte kanselado
MANILA, Philippines - Kanselado ang mga pagdinig bukas sa ilang trial courts sa bansa na apektado ng bagyong Ondoy.
Sa text message na ipinadala ng tagapagsalita ng Supreme Court na si Atty. Midas Marquez, kabilang sa mga korteng kanselado ang mga pagdinig ay sa Region 4, Pasig at Marikina.
Inatasan din ang mga Executive Judges na ang mga lugar ay apektado ng naturang bagyo, na mag-report ngayong araw sa SC Office of the Court Administrator upang ipaalam ang kundisyon ng kani-kanilang mga korte.
Una ng kinansela ng SC ang Bar Exam na nakatakda sana kahapon. Nire-schedule ito sa Oktubre 4, 2009.
Kahapon sana ang huling araw ng Linggo para sa apat na Linggong Bar exam kung saan ang pasusulit ay patungkol sa subject na Remedial law and Legal Ethics. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending