^

Bansa

GMA balik Pinas, 121 OFWs bitbit

-

MANILA, Philippines - Nakauwi na kahapon sina Pangulong Gloria Arroyo at kontrobersiyal na si Foreign Affairs Secretary Albero Romulo kasama ang 121 overseas Filipino workers mula sa official trip nito sa tatlong bansa.

Sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration, dakong alas-4:15 ng hapon nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang Pangulo bitbit ang 121 Pinoy workers na tumakas sa kani­lang amo at nasasangkot sa iba’t ibang kaso, parti­kular na ang pagmamal­trato sa Saudi.

Sinabi ni OWWA Administrator Carmelita Dim­zon, naiproseso ang repatriation ng nasabing mga OFWs matapos na maki­pag-usap si Mrs. Arroyo sa Saudi government.

Una ng iniutos ng Pangulo kay Labor Secretary Marianito Roque na pabilisin ang mga travel papers ng mga OFWs para tuluyan ng makauwi sa Pilipinas at makapiling ang kanilang pamilya. Pinopro­seso na rin ang pag-uwi ng 100 pang OFWs na na­iwan sa Saudi at nakatira sa Khandara bridge.

Makakauwi lang ang mga stranded OFWs sa oras na magbigay ng exit permit ang kani-kanilang mga employers kung saan ito ang nakakapag-pa­antala sa kanila. (Butch Quejada/Ellen Fernando)

ADMINISTRATOR CARMELITA DIM

BUTCH QUEJADA

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERO ROMULO

LABOR SECRETARY MARIANITO ROQUE

MRS. ARROYO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with