Singil sa tubig tataas sa Okt.

MANILA, Philippines - Mula Oktubre hang­gang Disyembre ngayong taon, lahat ng customers ng Maynilad Water Services Inc. (MWSI) ay ma­kakatikim ng dagdag bayad sa tubig.

Ang mga customers ng Maynilad na gumagamit ng average na 10 cubic me­ters ng tubig sa kanilang monthly bill ay magba­bayad ng dagdag na P0.93 sa kada cubic meter ng tubig.

Ang pagtaas ng singil sa tubig ay bunsod naman ng palitan ng piso laban sa dolyar.

Sa ilalim ng foreign currency differential adjustment, pinapaya­gan ang da­lawang water concessionaires, ang Manila Water at Maynilad Water, na mag­taas ng si­ngil ng tubig de­pende sa palitan ng piso kontra dolyar. (Angie dela Cruz)

Show comments