Merger ng Lakas-Kampi nakabitin

MANILA, Philippines - Bunga ng inaasahang magiging problema sa merger ng partidong Lakas-Kampi-CMD, pinaghahan­daan na ng partido ng Kampi ang legal na isyu patungkol dito.

Sa ginanap na caucus ng kanilang partido kaha­pon, sinabi ni DILG Secretary Ronnie Puno na may inihahanda na silang pa­raan para maresolba ang problemang kakaharapin nila sa sandaling umabot na sa deadline ang pagpa­palabas ng Commission on Election para kilalanin ang bagong partidong Lakas-Kampi-CMD na pinangu­ngu­nahan ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teo­doro.

Sinabi ni Puno, kung hindi magiging paborable ang desisyon ng komisyon sa naturang partido bago tuluyang umabot sa deadline sa Nobyembre 30, dedesisyunan na nilang maging opisyal na partido ang  Kampi.

Wala din anyang magi­ging problema sa kampo ni Teodoro ang naturang isyu dahil dati na itong nasa Lakas na kabilang sa ad­ministrasyon.

Tiniyak din ni Puno na magtutulong ang dalawang partido upang masigurong makukuha nila ang pagka­panalo sa darating na eleksiyon sa pagsasabing “sa ngayon tumataas na sa 8 porsiyento ang rating ni Gibo.” (Ricky Tulipat)

Show comments