^

Bansa

Noynoy-Mar plantsado na!

- Nina Malou Escudero, Joy Cantos, Doris Franche at Angie Dela Cruz -

MANILA, Philippines - Itinaon kahapon nina Se­nators Benigno Simeon “Noy­noy” Aquino III at Mar Roxas sa ika-37 taong pag­gunita sa deklarasyon ng batas militar ang pormal na paghahayag ng kanilang tambalan para sa 2010 presidential elections.

Tinanggap ni Roxas ang alok ni Aquino, standard bea­rer ng Liberal Party, na ma­ging running mate o kandi­da­tong bise presidente nito.

“Taos-puso ko pong tina­tanggap ang responsibilidad na maging kabalikat ni Noynoy sa kanyang laban para sa pagbabago. Taos-puso at bu­ong pakumbaba ko pong ti­natanggap ang ma­ging katam­bal ni Noynoy Aquino,” sabi ni Roxas sa isang pulong-bali­taan sa Club Filipino sa Green­hills, San Juan.

Matatandaan na inaban­do­na ni Roxas ang kanyang planong pagtakbong presi­dente sa susunod na taon para bigyang-daan si Aquino.

Ayon kay Roxas, isang karangalan para sa kanya na makasama si Aquino sa tata­hakin nilang laban.

Ayon kay Roxas, hindi lamang para sa kanila ni Aqui­no ang kakaharapin nilang laban dahil ito ay para sa kagustuhan ng nakara­rami na magkaroon na ng pagbabago.

Mismong si Aquino ang nagsilbing tagapagpakilala kay Roxas sa nasabing okas­yon kung saan muli nitong pinuri ang kasama­hang sena­dor sa pagsasa­kripisyo sa sarili nitong am­bisyon.

Naunang inihayag ni Aqui­no ang kanyang pag­kan­di­datong presidente ng bansa noong Setyembre 9 na ika-40 araw ng pagka­matay ng kan­yang inang si dating Pangu­long Corazon Aquino.

Ilang miyembro naman ng Kapulungan ng Sandigan ng Pilipinas ang dumagsa sa bahay ng mga Aquino sa Times St., Quezon City para ihayag ang suporta nila sa kandidatura ni Noynoy.

Habang nagmamartsa sila patungo sa bahay ng mga Aquino ay sumisigaw sila ng “Hindi trapo, hindi tramo, tao muna.”

Sa kabilang dako, sinabi ni Antipolo Auxillary Bishop Francisco de Leon na hindi magiging lubos ang suporta ng simbahang katoliko kay Aquino hangga’t hindi nito binabawi ang suporta nito sa reproductive health bill. Bukod pa rito ang pagbale­wala umano ng senador sa land reform program.

ANTIPOLO AUXILLARY BISHOP FRANCISCO

AQUI

AQUINO

AYON

BENIGNO SIMEON

CLUB FILIPINO

CORAZON AQUINO

LIBERAL PARTY

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->