Anti-rabies pinalakas ni Recom

MANILA, Philippines - Pinalakas ni Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang Caloocan City Rabies Control Coordinating Committee na nagpapatupad ng karag­dagang istratehiya upang mabantayan ang publiko laban sa mapanganib na sakit na rabies.

Ayon kay Mayor Recom, kailangang iorga­nisa ang komite sa anti-rabies para lalong mapa­lakas ang mga programa ng pamahalaang lung­sod, partikular na ang City Veterinary Office, hinggil sa pagkontrol sa rabies.

Bukod naman sa pag­likha ng mga pang-ma­dalian at pang-mata­galang polisiya laban sa naturang animal-borne disease, sinabi ni Echi­verri na magsisilbi rin itong forum para sa inter-agency coordination ng mga programa hinggil sa rabies control.

Show comments