Korte Suprema nagbabala vs premature campaigning
MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Korte Suprema ang pag papalawig sa kahulugan ng premature campaigning na maaring maging basehan upang ma-disqualify ang isang kandidato.
Base sa desisyon ng Supreme Court (SC) en banc na sinulat ni Associate Justice Minita Chico-Nazario na kahit hindi pa nakakapaghain ng certificate of candidacy (COC) ang isang kandidato ay maari na itong lumabag sa batas ng premature campaigning.
Ang desisyon ay base sa isinampang kaso laban kay Surigao del Norte Mayoralty candidate Ro salinda Perenia ng kalaban nito na si Edgar Andanar.
Sa reklamo ni Andanar, nagsagawa ng motorcade si Perenia isang araw bago ang campaign period.
Nilinaw ng SC na ang pangangampanya ay maari lamang gawin 90-araw bago ang eleksyon sa mga national candidate at 45 araw para sa mga local candidates.
Sa botong 8-7, ipinagbawal na rin ng Korte Suprema ang mga infomercials ng mga may balak kumandidato. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending