^

Bansa

Jamby nangampanya sa burol ni Cory

-

MANILA, Philippines - Ilang tagasuporta ni Senador Benigno “Noy­noy” Aquino ang nairita at bumatikos kay Senador Maria Consuelo “Jamby” Madrigal nang gunitain nila ang pamamahagi ng campaign material nito habang nakaburol ang yumaong si dating Pa­ngulong Corazon Aquino noong nakaraang buwan.

Tinutukoy nila ang mga Jamby bracelet na pinamimigay sa mga tao na nakiramay at dumalo sa burol ni Gng. Aquino sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila.

Kumalat din sa inter­net ang sulat ng isang Happy Ferraren na nag­sabing isa siya at ang kanyang ina sa nakasaksi sa mga pinamigay na pulseras na may naka­tatak na pangalan ni Madrigal.

Sinabi ni Ferraren na binigyan sila ng libreng “Jamby Bracelets” nang sila ay bumili ng mga dilaw na payong mula sa isang vendor nung sila ay nagpunta sa libing ni Tita Cory.

Sinabi pa ni Ferraren na, habang inaabangan nilang mag-ina sa South Super Highway ang ma­ha­­bang prusisyon ng labi ng dating pangulo patu­ngo sa sementeryo, bu­mili sila ng dalawang di­law na payong sa isang street vendor na nagtitin­da rin ng mani.

Habang nagbabayad sila, binigyan sila ng tin­dera ng dilaw na pulseras na nakalagay sa isang maliit na plastic bag. Na­siyahan sila nang tang­gapin nila pero nadisma­ya sila nang makita nila ang isang maliit na tag na may pangalan at larawan ni Madrigal.

Idinagdag ni Ferraren na, bago naganap ang in­sidente, nakita niya uma­no si Madrigal na lulan ng kotse at nakapustura ng Laban sign habang kinu­kunan ito ng litrato. (Butch Quejada)

AQUINO

BUTCH QUEJADA

CORAZON AQUINO

FERRAREN

HAPPY FERRAREN

JAMBY

JAMBY BRACELETS

MANILA CATHEDRAL

SHY

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with