^

Bansa

Tambalang BI-DOT matagumpay: Turista dagsa kahit may krisis

-

MANILA, Philippines - Humahakot ng tagum­ pay ang tambalan ng Department of Tourism (DoT) at Bureau of Immigration (BI) sa industriya ng turismo dahil batay sa estadistika, umakyat ng apat na por­siyento ang bilang ng du­ma­ting na turista sa bansa noong Agosto kumpara sa parehong buwan noong na­karaang taon, sa kabila ng nararanasang krisis pang-ekonomiya ng mun­do.

Ayon kay BI Commissioner Nonoy Libanan, na­katulong sa paglago ng bi­lang ng dumating na turista ang agresibong marketing strategy na ginamit ni Tourism Secretary Joseph ‘Ace’ Durano sa pag­papakita sa Pilipinas bilang world-class tourist spot na sinabayan naman ng mga makaba­gong programa ng BI.

Batay sa estadistika, umabot sa 1.32 milyong da­yuhan ang dumating sa ban­sa noong nakaraang bu­wan, mas mataas ng 18,141 sa dumating dito noong August 2008.

Mula Enero hang­gang Agosto, 3.95 milyong turista ang duma­ting, kumpara sa 3.943 million na bumisita sa bansa sa parehong pana­hon noong 2008.

Pinapurihan naman ni Li­banan si Durano sa kan­yang makabagong approach sa pagbibigay ng komprehensiyong framework para sa pag-unlad ng turismo, partikular sa iba’t ibang lugar sa mga lalawi­gan patungong prime tourist destinations.

Sa parte ng BI, sinabi ni Libanan na patuloy ang panliligaw ng BI sa mga da­­ yuhang bisita sa pa­ma­ma­gitan ng mga pro­grama tu­lad ng visa issuance made simple (VIMS), pre-arranged visa upon arrival at special visa for employment generation (SVEG). (Gemma Garcia)

AGOSTO

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER NONOY LIBANAN

DEPARTMENT OF TOURISM

DURANO

GEMMA GARCIA

MULA ENERO

SHY

TOURISM SECRETARY JOSEPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with