Petisyon vs poll automation ibinasura na ng SC

MANILA, Philippines - Tuluyan nang ibinasura kahapon ng Korte Su­prema ang petition ng Concerned Citizen Movement (CCM) na kumuku­westi­yon sa pinasok na kontrata ng Com­ mission on Elections (Comelec) sa pagitan ng Smart­matic at Total Information Management para sa P7.2B compu­terized election.

Sa 49-pahinang desis­yon na isinulat ni Associate Justice Presbitero Ve­lasco Jr, sa botong 11-3 sinabi nito na hindi uma­buso sa kapangyari­han ang Comelec ng pa­sukin nito ang kontrata.

Giit pa ng Korte, hindi maaring iba­sura ang kon­trata dahil sa kawalan ng pilot testing sa mga gaga­miting makina tulad ng ginigiit ng CCM dahil hindi naman ito pre-requisite sa 2010 poll automation.

Nilinaw pa na ang ha­ha­wakan lamang ng Smart­­matic ay ang technical aspect nito at hindi ang bu­ong proseso ng election at mananatiling ang Co­melec ang siyang manga­ngasiwa nito base sa na­kasaad sa kontrata.

Sa oral arguments sa Korte Su­prema, maliit lamang ang ti­yansa na ma-hack o ma­pasok ng ibang tao ang system ng Smart­matic dahil isa hanggang 2 minuto lamang ang ita­tagal nito sa pagtatransmit ng resulta.

Maaari pang maghain ng motion for reconsi­ deration ang CCM sa pangu­nguna ni Atty. Harry Roque sa loob ng 15-araw. (Gemma Garcia)

Show comments