6 lugar signal no. 1 kay Maring; isa pang low pressure namataan

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa signal number 1 ang 6 na lugar dahil sa patuloy na pana­nalasa ng bagyong Maring habang makakaranas ng patuloy na pag-uulan ang Luzon.Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, signal no. 1 ang Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Abra, Pangasinan at Zam­bales.

Taglay ni Maring ang lakas ng hanging 55 kilo­metro bawat oras.

Patuloy na pinag-iibayo ng habagat ang bagyong Maring kayat ang nalala­bing bahagi ng bansa ay patuloy na makakaranas ng mga pag-uulan pagku­log at pagkidlat.

Habang patuloy na nanalasa sa bansa ang Bagyong Maring, isa na namang low-pressure area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa layong 690 kilometro sila­ngan ng Casiguran, Aurora. (Angie dela Cruz)

Show comments