^

Bansa

1 pang bangkay nakuha

-

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 10 ang bilang ng mga namatay sa paglubog ng SuperFerry 9 sa Siocon Bay, Zamboanga del Norte dahil sa pagkaka­ kuha sa bangkay ng isang babae na nakasuot ng life jacket na may tatak na SuperFerry 9. 

Hindi pa mabatid hang­gang sa isinusulat ito ka­hapon ang pangalan ng babae na natagpuang lumulutang sa isang bahagi ng Siocon Bay.

Gayunman, iniulat rin ng mga mangingisda sa rescue team ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na gumagalugad sa lugar na dalawa pang bang­kay ang kanilang namataan na lumutang sa karagatan ng Siocon na ku­kunin pa ng mga awtoridad sa lugar.

Iginiit kahapon ni Pa­ ngulong Arroyo na ang Maritime Industry Authority ang tanging ahensyang mag-iimbestiga sa insiden­te para maging maayos ito.

Sinuspinde naman ng MARINA ang paglalayag ng lahat ng barkong Su­perFerry na pag-aari ng Aboitiz.

Dahil sa holiday nitong Lunes, kahapon lamang pormal na naisilbi ang suspension at show cause order order ng MARINA laban sa Aboitiz Transport System na kaagad namang sinalubong din kahapon ng nasabing kumpanya ng motion for reconsideration para makapaglayag pa ang mga barko nila.

Iginiit ng Aboitiz na hindi pa naman malinaw ang sinasabing mga paglabag upang sila ay patawan kaagad ng parusa at maapektuhan ang lahat ng kanilang passenger fleet nang dahil sa paglubog ng SuperFerry 9.

Hiniling ng Aboitiz na payagang maglayag ang mga barko nitong Super­Ferry 12, SuperFerry 19, Cebu Ferry 1, at Cebu Ferry 2 dahil sumailalim at pumasa naman umano ang mga ito sa inspection at dry dock maintenance kama­kailan lamang.

Sinabi ng MARINA na idadaan nila sa pagdinig ang kahilingang ito habang pansamantalang ‘exemp­ted’ o pinapayagan pa rin na makapaglayag ang tat­long barko ng Aboitiz na SuperFerries 1, 19 at 12 upang matapos lamang ang paghahatid sa mga biyaheng Davao, Cebu, Iloilo at Maynila.

Pinangangambahan naman ang oil spill o pag­ligwak sa karagatan ng la­ngis na kabilang sa kina­karga ng SuperFerry 9 nang lumubog ito. 

Sa report ng National Di­saster Coordinating Council (NDCC), 180 toneladang re­ sidual fuel oil, 45 toneladang special fuel oil at 25 tone­ladang lube oil ang karga ng lumubog na barko.(Joy Cantos, Mer Layson at Ludy Bermudo)

ABOITIZ

ABOITIZ TRANSPORT SYSTEM

CEBU FERRY

COORDINATING COUNCIL

IGINIIT

JOY CANTOS

LUDY BERMUDO

SHY

SIOCON BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with