Kris at Ping nagkaayos

MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin ang aktres at TV host na si Kris Aquino kay Senador Panfilo Lacson na bumati­kos sa umano’y pakikialam niya sa love life ng kapatid niyang si Senador Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Ito ang nabatid kaha­pon kay Lacson na nagka­ayusan na sila ni Kris na nagpadala ng text message sa manugang niyang aktres na si Jodie Santa­maria para iparating ang pagpapa­ uman­hin ng TV host.

Nilinaw ni Kris na wala siyang kapasidad na paki­alam o kontrolin si Noynoy.

Matatandaan na hindi nagustuhan ni Lacson ang naging apela ni Kris kay Noynoy na kung maaari ay huwag na itong mag-asa­wa dahil ang nasaga­saan sa nasabing panawagan ay ang nobya ni Noynoy na si Valenzuela Councilor Sha­lani Soledad na dati namang tauhan ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na hindi na dapat idinadaan sa telebisyon sakali mang hindi boto si Kris sa kan­yang magiging hipag lalo pa’t nasa edad na naman si Noynoy para magdesis­yon sa sarili.

Ikinatuwa naman ng senador ang pagtanggap ni Kris ng pagkakamali

“Nag-text si Senator Ping kay Jody, kasi nga may text si Kris at siguro naman nai-forward iyon kay Kris at alam din naman ni Kris na ko­mento lang ng isang ama iyong pagtatanggol niya (Lacson) kay Shalani,” sabi ng impormante. (Malou Escudero)

Show comments