^

Bansa

Chavit pinagbabakasyon ng Palasyo

-

Hinimok kahapon ng Malacañang si Deputy National Security Adviser Luis “Chavit” Singson na bilang ‘delicadeza’ sa kinakaharap nitong kaso na isinampa laban sa kanya ng dati niyang live-in partner ay magbakasyon muna ito sa kanyang posisyon.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na hindi naman gustong unahan ng Palasyo ang magiging resulta ng imbestigasyon kay Singson pero bilang ‘delicadeza’ ay dapat magboluntaryong magbakasyon muna ito.

Aniya, inatasan na rin ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo si National Security Adviser Norberto Gonzales na magsagawa ng imbestigasyon at kausapin si Singson saka ito magsumite ng rekomendasyon.

Idinemanda si Singson ng dati niyang kinakasa­mang si Rachell Tiongson dahil sa panggugulpi niya rito at sa kalaguyo nito makaraang mahuli niya ang mga ito sa isang bahay.(Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

CHAVIT

DEPUTY NATIONAL SECURITY ADVISER LUIS

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON LORELEI FAJARDO

HINIMOK

IDINEMANDA

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

PANGULONG GLORIA MACA

RACHELL TIONGSON

RUDY ANDAL

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with