MANILA, Philippines - Limang pasahero ang kumpirmadong nasawi habang 63 pa ang nawawala matapos na lumubog kahapon ang SuperFerry 9 na may lulang halos 1,000 katao, sa karagatang sakop ng Siocon Bay, Zamboanga Peninsula sa Mindanao.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, sa kabuuang sa kay na 968, lima katao na ang patay habang 900 ang survivors at 63 pa ang patuloy na hinahanap.
Kinilala ang dalawa sa limang patay na sina Fernando Estrada, na kabilang sa 28 production staff ng Star Cinema Group ng ABS-CBN na papauwi na umano sa Maynila matapos mag-shooting ng pelikulang Tanging Pamilya, at isang Liezel Gardel.
Sa kasalukuyan ay nasa lungsod ng Zamboanga na umano ang mga survivors, 268 survivors ang nasagip ng MV Ocean Integrity, 439 sa MV Myriad, 170 sa barko ng Philippine Navy at 23 sa fishing boat na MV Charito.
Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat na umalis ng General Santos City ang barko dakong 8:45 ng gabi noong Sabado at patungo sana sa Iloilo.
Nagsimula umanong magka-problema ang barko nang ang generator nito ay magpatay-sindi.
Pagsapit sa Siocon Bay dakong alas-2 ng madaling araw ay unti-unti na umanong tumagilid ang barko, hanggang sa tuluyang lumubog dakong 8:30 ng umaga.
Ilang barko, bangka at mga sea marshalls, ang kaagad na ipinadala ng pamahalaan sa lugar upang tumulong sa isasagawang search and rescue operations.
Tiniyak naman ng mga awtoridad na sisimulan ang imbestigasyon sa paglubog ng barko sa oras na matapos na ang isinasagawa nilang search and rescue operation.
Batay umano sa manifesto ng SuperFerry 9, may kabuuang 968 ang lulan nito, kabilang ang 117 crew, ngunit may posibilidad din umanong higit pa dito ang sakay ng barko, na siyang aalamin ng mga awtoridad.
Samantala, nabatid na hawak na rin umano ng Philippine Navy ang mismong kapitan ng lumubog na Superferry 9 na si Capt. Joel Yap, sa Siraway, Zamboanga Del Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ni Rear Admiral Alexander Pama, commander ng Philippine Navy Western Mindanao na nasa kustodiya na nila ang kapitan at isinasailalim na sa interogasyon.
Ayon naman kay Andrew Deyton, assistant vice president for marketing ng Aboitiz, si Yap ang isa sa pinakamagaling nilang kapitan ng barko, at matagal na umano itong nagtatrabaho sa kanila.
Ang Superferry 9 naman aniya, na matagal nang tumatakbo, ay ang kauna-unahang barko sa Pilipinas na ginawaran ng international recognition dahil sa kakayahan at pagiging ligtas nito.
Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng pan iniwala si Jude Boro, isa sa pasaherong masuwerteng nakaligtas, na posibleng overloaded ang barko.
Aniya pa, paalis pa la mang sila sa daungan sa General Santos ay naramdaman na nilang may problema ang barko.
Halata aniyang overloaded ang barko dahil parang putol-putol ang kanilang takbo.
May nararamdaman umano silang pag-atras kung saan tila itinutulak ang mga kargamento sa ilalim.
Sinabi din ni Boro sa panayam ng Bombo Radyo na wala silang narinig na pagsabog bagkus ay kalabog lamang ng mga kargamento bago ito tumagilid.
Wala rin umano silang narinig na instruction na “abandon ship” kaya’t nagsariling sikap silang tumalon mula sa barko upang makaligtas.
Ayon naman kay Jess Supan, vice president for safety and security ng Aboitiz, imposible umanong maging overloaded ang barko dahil ang passenger capacity nito ay 914, ngunit ang pasahero lang nito ay 847 lamang.
Samantala, ipinag-utos kahapon ni Pangu long Arroyo ang mabilis na pagtulong sa mga biktima ng lumubog na Superferry 9.
Bukod sa PCG, tumutu long na rin sa search and rescue operations ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines gayundin ang local government units.