^

Bansa

Labuyo, nanatili ang lakas habang palabas ng Pinas

-

MANILA, Philippines - Nanatili ang lakas ng bagyong Labuyo habang ito ay patungo na sa direksiyon ng Southern Japan kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ganap na alas-11 ng umaga, si Labuyo ay namataan sa layong 660 kilometro ng silangan ng Tuguegarao City taglay ang lakas ng hanging 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 90 kilometro bawat oras.

Bukas, si Labuyo ay inaasahang nasa layong 980 kilometro silangan ng Tuguegarao City o 910 kilometro ng Basco, Ba­tanes.

Bagamat palabas na ng bansa, pinag-iibayo pa rin ni Labuyo ang habagat kayat patuloy na maka­karanas ng pag-uulan ang buong southern Luzon at Visayas. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BAGAMAT

BASCO

BUKAS

CRUZ

LABUYO

LUZON

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SOUTHERN JAPAN

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with