^

Bansa

'No work, no pork' sa absenerong kongresista

-

MANILA, Philippines - Isinusulong ni House Deputy Majority Leader at Aurora Rep. Juan Edgar­do M. Angara, ang “no work, no pork” policy la­ban sa mga kongresis­tang absenero para ma­solusyunan ang problema ng kawalan ng quorum sa tuwing magkakaroon ng botohan sa Kongreso.

Ang nasabing polisiya ay tiyak aniyang papatok at maisusulong para ma­pilitan ang bawat miyem­bro ng Kongreso na du­malo sa mga session ng Kongreso, para hindi ma­antala ang pagpapasa ng batas.

Iginiit nito na ang ka­walan palagi ng quorum ang nagiging dahilan kaya hindi agad naipa­pasa ang mga isinusu­long na batas, lalo na ang mga kapakipakinabang.

Nilinaw pa ni Angara na kung ayaw ng mga mambabatas na mawalan ng pork barrel at hindi matugunan ang mga pa­ngangailangan ng kan­yang mga nasasakupan ay tiyak na magsisipag ang mga ito na dumalo sa anumang session ng Kamara.

Aniya, napakarami ng hakbang para matigil ang pagiging absenero ng mga mambabatas gaya ng pag­mumulta at pag­baba­was sa kanilang pork barrels ngunit ang lahat ng ito ay hindi naging ma­tagumpay. (Butch Quejada)

ANGARA

ANIYA

AURORA REP

BUTCH QUEJADA

HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER

IGINIIT

JUAN EDGAR

KONGRESO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with