^

Bansa

Villar nanguna rin sa The Center

-

MANILA, Philippines - Matapos dominahin ang Pulse Asia at Social Weather Stations surveys, pinangunahan rin ni Senador Manny Villar ang non-commissioned nationwide third quarter survey ng The Center nang manguna siya sa 13 at 9-way presidential race.

Nabatid kay The Center Director Ed Malay na isinagawa ang survey nitong Agosto 18-23 sa hanay ng 1,200 respondents sa buong bansa kung saan may­roong 2.8% plus o minus na margin of error.

Nakakuha si Villar ng pinakamataas na 20% habang nagtabla naman sina dating Pangulong Joseph Estrada at napi­pisil nitong running-mate na si Sen. Francis Escu­dero sa 16%.

Kabilang sa mga ma­iinit na isyu nang isa­gawa ang survey ang pagka­matay ni dating Pangu­long Corazon “Cory” Aquino, $20,000 hapu­nan ng delegasyon ni Pangulong Arroyo sa New York, pagbuhay sa Charter change, at dacer-corbito murder case.

Si Villar ang na­ nguna sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na ginawa nitong Hulyo 28 - Agosto 10 at sa survey ng SWS sa kate­goryang “best leader” na papalit kay Pangu­long Gloria Arroyo.

Ang back-to-back na pangunguna ni Villar ay sa kabila ng imbesti­gasyon sa kontrober­siyal na C-5 road extension na mahigit isang taon nang paulit-ulit na tinatalakay ng kanyang mga kalabang presiden­tiables. (Butch Quejada)

vuukle comment

AGOSTO

BUTCH QUEJADA

CENTER DIRECTOR ED MALAY

FRANCIS ESCU

GLORIA ARROYO

NEW YORK

PANGU

PANGULONG ARROYO

PULSE ASIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with