^

Bansa

Fojas idinepensa ng PNPA alumni

-

MANILA, Philippines - Nainsulto umano ang ilang alumni ng Philippine National Police Academy nang malaman na pinaga­ litan ang isa sa kanilang ka­samahang produkto ng PNPA.

Pinalagan ng ilang PNPA alumni ang report na sinabon ni National Capital Regional Police Office Chief Supt. Roberto Rosales si Manila Police District-Intelligence Chief Supt. Ernesto Fojas dahil sa breach of security nang malusutan ng mga militanteng estudyante ang Gate 7 ng Malacanang dalawang linggo na ang nakalipas.

Iginiit ng mga miyembro ng PNPA Makatarungan Class 1984 na isang competent officer si Fojas at ka­kaunti na lang ang idealis­tang tulad nito na produkto ng kanilang akademya. Sinabi ng grupo na dapat ipinagtatanggol ni Rosales ang sarili niyang mga ta­uhan at hindi sisihin.

Nagsimula bilang ten­yente si Fojas nang maita­laga na sa Western Police District Training Division. Naging hepe din siya ng City Hall Detachment at ng mga Station 3, 2 at 7 ng WPD.

Dumanas ng mild stroke sa edad na 41 subalit patu­loy siyang nagsilbi sa pu­lisya at bago siya maita­laga bilang MPD-DID chief, na-assign siya bilang Secretariat to the Chief Directorial Staff, admin officer of the Deputy District Director for Operations, Chief Personnel Division and Chief Logistics sa taong 2002-2009. (Ludy Bermudo)

CHIEF DIRECTORIAL STAFF

CHIEF PERSONNEL DIVISION AND CHIEF LOGISTICS

CITY HALL DETACHMENT

DEPUTY DISTRICT DIRECTOR

ERNESTO FOJAS

FOJAS

LUDY BERMUDO

MAKATARUNGAN CLASS

MANILA POLICE DISTRICT-INTELLIGENCE CHIEF SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with