^

Bansa

Solons di kasama ni GMA sa Libya

-

MANILA, Philippines - Umalis na kahapon si Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo patungong Libya pero wala na siyang kasama ritong mga kongresista.

Ayon sa Malacanang, ang tanging kasama ni Pangulong Arroyo ay sina Press Seretary Cerge Remonde, Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, Labor Secretary Marianito Roque, National Security Adviser Norberto Gonzales at DFA Undersecretary Rafael Seguis. Bukod pa rito ang mga tauhan ng Presidential Security Group at RTVM personnel.

Inimbitahan si Pangulong Arroyo ni Libyan Leader Col. Maummar Qadaffi upang dumalo sa African Union Special Summit at upang makiisa sa ika-40 aniber­saryo ng rebolusyon ng Libya.

Naunang umani ng batikos ang biyahe kamakailan ng Pangulo sa Amerika lalo na nang mapaulat ang mga hapunan ng kanyang grupo sa mga mamama­haling restawran sa New York.

Makikipagpulong din si Mrs. Arroyo sa ibat ibang lider ng Africa kabilang na ang lider ng Somalia upang mawakasan ang kidnapping ng mga Filipino seafarers na lulan ng mga foreign vessels na dumadaan sa Gulf of Aden. (Rudy Andal at Butch Quejada)

AFRICAN UNION SPECIAL SUMMIT

BUTCH QUEJADA

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERTO ROMULO

GULF OF ADEN

LABOR SECRETARY MARIANITO ROQUE

LIBYAN LEADER COL

MAUMMAR QADAFFI

MRS. ARROYO

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

NEW YORK

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with