^

Bansa

Gibo 'di magiging independent

-

MANILA, Philippines - Walang plano si Defense Secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr., na tu­makbong independent kaugnay ng nalalapit na 2010 presidential elections sa bansa.

Iginiit kahapon ni Teo­doro na, kung hindi man siya ang mapiling standard bearer ng ruling Lakas-Kampi-CMD, hindi siya tatakbong independent.

Bukod kay Teodoro ay pinagpipilian rin ng ad­ministrasyon sina Vice President Noli De Castro at Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando.

Kasabay nito, sinabi ni Teodoro na irerespeto niya ang magiging desis­yon ng Lakas-Kampi-CMD sa pagluluklok ng magiging pambato sa pampanguluhan na ipan­tatapat sa kandidato ng oposisyon.

Nang matanong na­man kung ano ang kani­yang gagawin kapag hindi siya ang napiling standard bearer ng partido ng administrasyon ay sinabi nito na “Titingnan ko kung anong gagawin ko.”

Sa kasalukuyan, ayon kay Teodoro, pinag-uuku­lan muna niya ng pansin ang kaniyang trabaho bilang Defense chief da­hil maraming dapat na ta­pusin sa kaniyang depar­tamento. (Joy Cantos)

BUKOD

DE CASTRO

DEFENSE SECRETARY GILBERTO

GIBO

JOY CANTOS

LAKAS-KAMPI

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

SHY

TEODORO

TEODORO JR.

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with