Sex offenders panukalang pagbawalan sa eskuwelahan

MANILA, Philippines - Naghain kahapon si Senador Antonio Trillanes IV ng panukalang-batas na magbabawal sa mga nasentensyahan at na­kalaya nang sex offender na makapasok sa mga eskuwelahan.

Isinampa ni Trillanes ang Senate Bill 3407 para matiyak anya na hindi ma­ka­pambibiktima ng estud­yan­te ang mga sex offender.

Ipinaliwanag ni Trilla­nes na hindi layunin ng kanyang panukala na ipahiya o husgahan ang mga sexual offenders na nakapag-serve na ng kanilang sentensiya pero nais niyang protektahan ang mga estudyante na pinaka-vulnerable at madaling mabiktima.

Kung magiging ganap na batas, ang mga napa­la­yang sex offenders ay hindi papapasukin sa mga pampubliko at pri­badong eskuwela­han kabilang na ang Day Care o Preparatory building at maaari lamang silang maghatid o sumundo sa kanilang anak o mga anak. (Malou Escudero)

Show comments