^

Bansa

Jamby 'hao-shiao' - Erap

-

MANILA, Philippines - Tila nagpahiwatig ka­ makailan si dating Pangu­long Joseph Estrada na isang “hao shiao” o pekeng oposisyon si Senador Jamby Madrigal ng sabihin niya sa Kapihan sa Senado na mga lehitimong oposis­yon lang na sina Senators Mar Roxas, Manny Villar, Loren Legarda, at Francis Escudero ang kanyang ka­kausapin para sa kanilang pagkakaisa sa darating na halalan. Hindi binanggit ni Estrada si Madrigal na ka­makailan lang ay nagsa­bing tatakbo din siya sa pagka-pangulo.

Ayon naman kay Madrigal na nagbigay din ng pa­hayag sa media, hindi siya aatras sa pagtakbo kahit na pakiusapan siya ni Estrada.

Sinabi pa ni Madrigal na sayang lang ang oras niya kay Estrada kung ang pag-uusapan ay pagbaba niya sa posisyon ng bise presi­dente. Mariing sinabi ni Ma­drigal na ang taumbayan ang huhusga at hindi si Estrada.

Hindi rin binanggit ni Estrada si Madrigal sa mga posibleng susuportahan niyang kandidatong sena­dor sa susunod na taon.

Nahambing kamakailan si Madrigal sa mga nuisance candidates na tu­makbong pangulo nung 2004 elections katulad nila Atty. Ely Pamatong at Eddie Gil.

Samantala, mismong si Senador Aquilino Pimentel na kapartido ni Madrigal sa PDP Laban ay pinayuhan ang babaeng Senador na baka mas maganda na maghanap na ng ibang partido. Si Makati Mayor Jejomar Binay ang tata­yong standard bearer ng PDP-Laban sa 2010. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

EDDIE GIL

ELY PAMATONG

FRANCIS ESCUDERO

JOSEPH ESTRADA

LABAN

LOREN LEGARDA

MADRIGAL

MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with