^

Bansa

GMA, FG madidiin sa ZTE

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patuloy pa ring madi­diin sina Pangulong Glo­ria Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo sa na­udlot na maanomalyang $329 mil­ yong national broadband network proj­ect ng pama­ha­laan at ng ZTE Corp. ng China kahit inabsuwelto sila rito ng Ombudsman.

Sinabi kahapon ng abo­gadong si Atty. Er­nesto Francisco na mag­hahain siya ng motion for reconsideration sa Ombudsman para pabalig­ta­rin ang de­sisyon nito na nagpapa­walang-sala sa mag-asa­wang Arroyo.

Sa naturang desisyon, inirekomenda ng Ombudsman ang pagsasam­pa ng kaso laban kina dating National Economic Development Authority Secretary-General Ro­mulo Neri at da­ting Commission on Elections Chairman Benjamin Aba­los na sumabit din sa NBN deal.

Nauna rito, sinabi ni Se­nate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na maa­aring may pa­nanagutan si Pangulong Arroyo sa naging papel nito sa NBN dahil sa command responsibility.

Gayunman, sinabi ni Gor­don na dapat ding pa­pa­nagutin sa kaso sina da­ting Speaker Jose de Ve­necia Jr. at anak nitong negosyanteng si Joey III.

Pinuna ni Gordon na hindi dapat naging testigo o whistleblower si Joey dahil humingi ito ng pabor at nag-lobby para sa pro­yekto.

Mariin namang kinon­dena ni Joey ang naging pahayag ni Gordon na sila pa ng kanyang ama ang sisihin na may kasa­lalan sa NBN-ZTE deal. Aniya, may pagkiling na umano ang na­sabing pahayag at nanini­wala siya na walang dapat asahan sa imbestigas­yon ng Senado.

Malaki din ang pani­ni­wala ni Joey na hindi dapat inabswelto si FG Arroyo dahil ito umano ang mastermind ng NBN-ZTE deal.

Sa kabilang dako, si­nabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na, ayon din kay Gordon, isasama rin sa imbesti­gasyon ng komite nito ang Unang Ginoo at si de Ve­necia Jr..

Ipinaliwanag ni Pi­men­tel na hindi maaaring ide­manda ang Pangulo ha­bang nakaupo ito sa pu­westo.

BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN RICHARD GORDON

ELECTIONS CHAIRMAN BENJAMIN ABA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GORDON

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY SECRETARY-GENERAL RO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLO

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL

SHY

SPEAKER JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with