MANILA, Philippines - Tiniyak ng Malacañang na ang mga importanteng indibidwal lamang ang makakasama sa susunod na biyahe ni Pangulong Arroyo sa London at Saudi Arabia.
Sinabi ni Deputy Spokesperson Lorelei Fajardo, ina asahan nilang magiging “conscious” na ang mga mambabatas sa kanilang pagsama sa susunod na biyahe ng Pangulo matapos ang kontrobersya sa US trip.
Gayunman, wala pa silang official list ng presidential entourage pero ang sigurado umanong kasama sa biyahe sa London mula September 17-18 ay kinabi bilangan ng mga economic managers ng Pangulo habang ang biyahe sa Saudi Arabia sa September 23 ay mga Labor officials at ilang kongresista na may kinalaman ang kanilang hinahawakang komite.
Nilinaw ni Fajardo, inimbitahan ang Pangulo na maging speaker sa isang forum sa London habang naimbitahan naman ang Pangulo ni King Abdullah Bin Abdul Aziz ng Saudi Arabia para sa isang state visit.
Nakatakdang dumalo rin si Pangulong Arroyo sa 64 General Assembly ng United Nations sa New York sa Setyembre 15.
Mula Agosto 30-September 1 ay magtutungo ang Pangulo sa Kuwait at sa Libya mula Setyembre 1-2. (Rudy Andal)