Jamby nanghawi ng pila sa DFA

MANILA, Philippines - Nadismaya ng husto ang mga kumukuha ng E-passport sa Department of Foreign Affairs dahil lang sa pagbibigay ng prayori­dad kay Senadora Con­suelo “Jamby” Madrigal.

Noong Agosto 26, 2009 dakong alas-2:30 ng hapon ay dumating uma­no si Madrigal sa DFA ka­sama ang napakaraming security staff at pa-VIP na nag­tungo sa opisina ng Director for Passport upang magpalitrato at kunin ang kanyang pasa­porte.

Dahil dito’y nahinto ng halos isang oras ang pag­proseso ng E-passport ng isang daang aplikanteng ilang oras na nakapila para makakuha ng pasa­porte bukod pa sa nagka­lat ang security ni Madrigal sa buong compound ng DFA.

Ang buong normal na proseso ay hindi na uma­no dinaanan ni Madrigal tulad ng pagpila sa window 28 ng DFA, pagbaba­yad sa cashier at dumi­retso na ito sa data capturing.

Sa naturang ginawa ni Madrigal ay marami uma­no ang nainis dahil bukod sa pagkaantala ng proseso ay tila naging presidente agad ang pakiramdam ng una, kaya malayo umano ang ginawa ng senadora sa sinasabi nitong siya ay simple lang kaya paulit-ulit ang isinusuot na damit.

“Kung prinsesita pala ang pag-uugali ni Jamby, pano pa kung magpresi­dente siya. Sana matalo para maturuan ng aral sa pag­papakumbaba,” anang isang nakapila sa DFA na humiling na di banggitin ang pangalan.

Ang E-passport ay isang proyekto ng DFA para magkaroon ng ma­ganda at kalidad ang mga pasaporte at imahe ng bansa.

Sa kasalukuyan, 10,000 hanggang 12,000 aplikante ang kumukuha ng passport sa buong bansa.

Samantala, sinabi ni dating pangulong Joseph Estrada na ang kaka­usa­pin niya para magkaisa ang oposisyon ay ang mga lehitimong opposition pre­sidential candidates at hindi hao-shao.

Kabilang sa mga na­banggit niya para sa unification ay sina Senators Manny Villar, Mar Roxas, Chiz Escudero, Loren Le­garda at Makati Mayor Jejomar Binay. Hindi niya binanggit si Madrigal. (Mer Layson)

Show comments