Erap at Ping idiniin ni Mancao

MANILA, Philippines - Tahasang pinanga­lanan kahapon ni dating police Superintendent Cesar Mancao si dating Pangulong Joseph Es­trada na siyang nasa likod ng codename na “bigote” at Senador Panfilo Lacson na may kaugnayan sa pagdukot at pagpatay ng publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Cor­bito noong 2000.

Mancao si Ayon kay Atty. Dante David, abo­gado ng iba pang akusado sa Dacer-double murder, sinabi umano ni Mancao sa pagdinig kahapon na ang utos ay natatangap nila mula kay Lacson hing­gil sa “Operation Delta” at direk­tang utos naman umano mula kay dating Pangulong Estrada ang natatanggap ni Lacson, noong hepe ito ng ng binuwag na Presidential Anti-Crime Task Force (PAOCTF).

Pinalabas naman si Dumlao sa court room nang tumestigo na si Mancao ngunit bago ito ay nagkamay ang dalawa at nagkakuwentuhan rin na may halos 30 minuto.

Hindi isinailalim sa arraignment si Dumlao.

Nabatid na hindi na natapos ang testimonya ni Mancao nang maghain na ng Omnibus Motion ang De­partment of Justice para sa paglipat kay Mancao bilang state witness.

Inaasahang maglala­bas ng desisyon sa sa mga susunod na araw si Judge Myra Garcia-Fernandez, ng Branch 18 para tulu­yang maalis sa pagiging akusado si Mancao at maging isang testigo.

Naging ma-emosyon din umano ang pagtatagpo nina Dumlao, Mancao at iba pang akusado. Sinabi umano ng mga akusadong nakapiit sa Manila City Jail kina Dumlao at Mancao na “Mabuti pa kayo nasa labas, samantalang kami 9 na taon nang nakakulong.“

Itinakda ni Judge Fer­nandez ang su­sunod na pagdinig sa Setyembre 3, alas-2 ng hapon.

Show comments