^

Bansa

Employers ng illegal aliens tutugisin ni Libanan

-

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Bureau of Immigration (Bi) sa mga employer na kumukuha ng empleya­ dong dayuhan na sasam­pahan ng kasong kriminal ang mga ito sa sandaling mapatunayang lumabag sa immigration law.

Ginawa ni Immigration Commissioner Nonoy Li­banan ang direktiba sa mga operatiba ng BI upang makilala at maituro ang mga employers ng mga dayuhan upang kaagad na masampahan ng kaso dahil sa pagkupkop sa isang illegal alien.

Ang nasabing direktiba umano ay ipatutupad sa mga dayuhan o Filipino businessmen na lumala­bag sa batas sa pama­magitan ng pagbibigay serbisyo sa mga dayuhan maging overstaying, undocumented o walang kaukulang permiso man ang mga ito.

Nilinaw naman ni Liba­nan na hindi dapat kaagad maipatapon palabas ng bansa ng mga dayuhan kundi dapat makulong muna ang mga ito

Inatasan din nito ang Law Enforcement Division na mahigpit na imonitor ang mga aktibidad ng mga dayuhang employers lalo na ang mga pinaghihi­nalaang nagsasamantala sa interest ng mga Filipino workers.

Base sa Intelligence reports na natang­gap ng BI na ang mga Chinese, Koreans at Indians ang na­ngunguna  sa mga kinu­ku­hang traba­ hador bilang mga salesperson sa mga tindahan at establis­yemento. (Gemma Garcia)


BUREAU OF IMMIGRATION

GEMMA GARCIA

GINAWA

IMMIGRATION COMMISSIONER NONOY LI

INATASAN

LAW ENFORCEMENT DIVISION

LIBA

NAGBABALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with