24th GMA trip sa Pampanga

Magalang, Pampa­nga , Philippines  — Muling binisita ni Pa­ngulong Gloria Maca­pagal-Arroyo ang kan­yang lalawigan sa ika-24 na pagkakataon upang pangasi­waan ang ibat ibang proyekto ng pama­halaan dito.

Unang nagtungo si Pangulong Arroyo sa ba­yang ito upang makaha­rap ang kanyang mga scholars sa auditorium ng Pampanga Agricultural College.

Sumunod na nagtu­ngo si Mrs. Arroyo sa Bo­to­-lan, Zambales upang pangasiwaan ang relief ope-rations sa mga bik­ti­ma saka siya muling nag­balik         sa Pampanga upang makiisa naman sa 1st anniversary ng Pampa­nga Electric Cooperative II (Pelco 2) sa Lubao.

Simbolikong inilawan naman ni Pangulong   Arroyo ang ikawalong milyong bahay na nabi­ya­-   yaan ng elektrisidad ng National Electrification Ad-mi­nistration. (Rudy Andal)


Show comments