MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Pasay City Mayor Wences lao “Peewee” Trinidad ang kampo ni Vice Mayor Tony Calixto na magpakita ng pruweba sa malisyosong pagpapakalat ng balita na wala na siyang karapatang tumakbo bilang alkalde sa susunod na halalan.
Nairita si Trinidad sa kampo ni Calixto na umano’y may pakana sa pagpapakalat ng kasinungalingan laban sa kanya kaya ipinasiyang ipamahagi sa media ang kopya ng resolusyon ng Commission on Election na magpapatunay na may karapatan pa siyang tumakbo bilang alkalde sa 2010 election.
Sinabi ni Trinidad na bagaman ayaw na sana niyang patulan ang ma agang pamumulitika ng kampo ni Calixto dahil tinututukan niya ang pagtulong sa mga mahihirap na residente na lubhang naapektuhan ng krisis pananalapi ng bansa, hindi niya mapapalagpas ang ipinakakalat na paninira laban sa kanya na nakakasagabal sa pagsulong ng kabuhayan sa mga Pasayenos.
Sa resolusyon ng Co melec noong Disyembre 11, 2008, nakasaad na dahil naputol ang kanyang paninilbihan bilang alkalde, may karapatan pa si Trinidad na muling tumakbo sa 2010 at 2013 election.