Presinto na walang pulis, isasara
MANILA, Philippines - Binalaan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang Manila Police District (MPD) na ipasasara niya ang mga presinto sa lungsod na matutukoy na walang naka-duty.
“Yung mga presinto, kapag wala rin lang tao, isara na lang natin. At yung pulis, kapag pinakawalan ang suspect na inaresto ninyo, tatanggalin natin sa trabaho,”ani Lim.
Ito ang iginiit ng alkalde sa pakikipag-dayalogo nitong linggo sa mga barangay opisyal na nagrereklamo hinggil sa pagpasa umano ng mga pulis sa kanila ng repsonsibilidad sa oras na sila ang makahuli ng mga suspek sa holdapan, snatching at iba pa. Madalas umano na sila pa ang nauutusang magpa-medikal ng kanilang huli sa halip na gawin ito ng mga pulis.
Sa halip na utusan, dapat umanong pasalamatan ang ginagawang pakikipagtulungan ng mga barangay sa pulisya dahil nagpapagaan na ito sa kanilang trabaho. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending