^

Bansa

Pinay inihulog ng amo sa bintana

-

MANILA, Philippines - Bibigyan ng tulong legal ng pamahalaan sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang isang Pinay na biktima ng sobrang pagmamaltrato matapos na ihagis ng kanyang employer sa bintana.

Sa report ni Philippine Ambassador to Kuwait Ricardo Endaya sa Department of Foreign Affairs, bibig­ yan nila ng hustisya ang ginawang pagmamaltrato sa 25-anyos na Pinay domestic helper na hindi pina­ngalanan ng kanyang amo matapos nitong paggu­gulpihin at saka inihagis pa sa bintana mula sa ikatlong palapag ng gusali na kanilang tirahan.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang nasabing Pinay at inoperahan sa isang ospital sa Kuwait.

Sa salaysay ng Pinay, napilitan siyang tumakas sa kamay ng kanyang malupit na amo at tumungo sa kanyang employment agency sa Kuwait subalit imbes na tulungan ay ibinalik ng ahensya ang biktima sa kan­yang amo.

Dahil sa matinding galit ng amo, ginawa siyang punching bag at pinaggugulpi saka ikinulong sa isang kuwarto. Lalo pang nairita ang galit na galit na employer nang hindi tumigil sa pag-iyak ang Pinay kaya kinaladkad siya ng amo at initsa at itinulak sa bintana.

Nagtamo ng malalim na sugat sa likod ang nasabing Pinay at mga pasa sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan. (Ellen Fernando)

BIBIGYAN

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

EMBAHADA

KUWAIT RICARDO ENDAYA

NAGTAMO

PHILIPPINE AMBASSADOR

PILIPINAS

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with