Lakas executives nadismaya sa labanan sa Basilan

MANILA, Philippines - Ikinadidismaya ng ma­raming miyembro ng ma­kaadministrasyong Koa­lisyong Lakas-Kampi-CMD ang pagkasawi ng 23 sun­dalo sa sagupaan ng mi­li­tar at ng Abu Sayyaf sa Ba­silan kamakailan.

Ito ang nabatid kaha­pon sa isang lehitimong mi­yembro ng Lakas-Kampi-CMD na nagsabing mistu­ lang ipinahamak ng pama­halaan ang buhay ng magi­giting na kawal-Pilipino.

Noong July 20, 2007, may 14 na Marines ang na­palaban din sa naturang la­lawigan kung saan sampu sa kanila ay pinugutan pa ng ulo ng mga bandido ha­bang inililigtas nila ang bi­nihag ng mga Abu Sayyaf na si Italian Priest Gian­carlo Bossi

Sinabi ng isang opisyal ng Lakas na isang malinaw na kapalpakan sa intelligence gathering ng militar ang nangyari dahil hindi natunugan ng mga ito na may kampo ng Moro Islamic Liberation Front sa katabing training camp sa Barangay Silangkum sa bayan ng Tipu-tipo ng mga tinugis nilang Abu Sayyaf na pinamumunuan ng isang Furuji Indama.

Kinuwestyon ng opis­yal kung saan napupunta ang intelligence fund ng militar na napakinabangan sana ng mga sundalo sa Minda­nao sa epektibong panga­ngalap ng impor­mas­yon la­ban sa mga ka­laban ng pa­mahalaan. (A. dela Cruz)

Show comments