Welga hadlang sa negosyo

MANILA, Philippines - Kinondena ng Federation of Philippine Industries at ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce ang umano’y pang­gugulo ng ilang nagwewel­gang Customs brokers sa mga truckers na hindi na­kikisama sa kanilang strike sa Port of Manila.

Ayon kay Federation of the Philippine Industries President Jesus Aranza, walang naitutulong ang kilos-protesta na isinasa­gawa ng mga miyembro ng Professional Customs Brokers Association of the Philippines sa pamumuno ni Agapito Mendez Jr., matapos na di tumupad sa kanilang kasunduan na hindi mamimilit o mangha­harang ng mga kasama­han nila sa hanap-buhay para sumali sa kanilang welga.

Ang grupo ni Mendez ay dalawang linggo ng nag­wewelga bunsod ng umano’y walang pasuba­ling panghuhuli ng Presidential Anti-Smuggling Group sa ilalim ni Undersecretary Antonio “Bebot” Villar. Malaki na rin aniya ang nalulugi sa gob­yerno dahil sa pamimilit at panghaharass ng grupo ng una. (Mer Layson)

Show comments