94 'hot cars' nabawi

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga operatiba ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) makaraang mabawi ang aabot sa 94 mga carnap na behikulo sa unang bahagi ng taon sa serye ng operasyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay PNP-HPG Director Chief Supt. Orlando Mabutas 72 hot cars ay nasamsam sa Cebu, 16 sa Central Luzon at anim mula sa Davao.

Narekober rin sa operasyon sa Bulacan at Pam­panga ang mga chop–chop na spare parts ng mga kinarnap na behikulo.

Pinayuhan naman ni Mabutas ang mga may-ari ng narekober na mga behikulo na magtungo sa tanggapan ng PNP-HPG sa Camp Crame at magpakita ng ka­ukulang dokumento upang mabawi ang kanilang mga behikulo. (Joy Cantos)

Show comments