Pork barrel pinatatanggal

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng tatlong 0bispo sa pama­halaan na tanggalin na lamang ang Priority Development Assistance Fund na mas kilala bilang pork barrel ng mga mam­babatas dahil ito ang na­giging ugat ng korupsi­yon.

Ikinatwiran nina Mar­bel Bishop Dinualdo Gu­tierrez, Legazpi Bishop Lucilo Quiambao at Cu­bao Bishop Honesto Ongtioco na ginagamit lang ng ilang mga pulitiko sa pansariling interes at katiwalian ang pork barrel.

Pinaboran ni Gutier­rez ang panukala ni Ba­yan Muna Partylist Rep. Teddy Casino na gawin na lang piso ang pork barrel ng mga senador at kongresista dahil hindi naman naibibigay dito ang talagang panganga­ilangan ng kanilang mga nasasakupan.

Mas makabubuti anya kung sa mga foundation na lamang ibibigay ang pork barrel ng mga Se­nador at Congressmen habang ang tao naman ang maghahain ng mga socio-economic projects at dadaan ito sa isang board.

Sinabi naman ni Quiam­­bao na hindi na dapat pang magdalawang isip ang pamahalaan na tanggalin ang pork barrel ng mga mambabatas dahil maging ang ibang bansa ay wala namang pork barrel. Dapat lamang na ibigay sa kanila ay ang kanilang mga sa­ hod. (Doris Franche at Mer Layson)

Show comments