^

Bansa

Pacman 'isinuka' ng MILF

- Nina Joy Cantos, Doris Franche at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Tila isinuka ng Moro Islamic Liberation Front ang panukala ni Senate Minority Leader Aquilino “Nene “ Pimentel Jr. na maging peace negotiator si Peo­ples champ Manny “Pac­man” Pacquiao para sa ika­tatahimik ng Minda­nao.

Ayon kay MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar, ma­ituturing na “walang kwen­ta” o non-sense ang panu­kala ni Pimentel dahil hindi maga­ gamit ang tulad ni Pac­man sa usapin sa gi­yera kahit pa man ito ay tini­­tingala sa buong mun­do.

Ipinaliwanag pa nito na malulunasan ang gulo sa Mindanao kung ito ay pag-uusapan sa negotiating table para mailahad ng MILF at gobyerno ang ka­nilang mga panukala.

Magugunita na ipina­nu­kala ni Pimentel na ga­mitin si Pacman bilang ne­gos­yador sa MILF dahil ito aniya ay iginagalang ng mga Muslim at mga Kris­tiyano bilang boxing champ.

Ipinagtanggol naman ni Defense Secretary Gil­berto “Gibo” Teodoro Jr. si Pac­man na hindi dapat ma­liitin at husgahan ang kakaya­han nito, lalo pa at ito ay opi­nion lang ni Jaafar at hindi ng buong liderato ng MILF.

Bukas naman si Pac­man sa pakikinig ng mga hinaing ng mga naturang mga rebelde para patuloy na maisulong ang peace talks sa Mindanao sa kabila ng pagtutol ng inang si Aling Dionisia.

Matatandaan noong taong 2000 ay ipinadala ng gobyerno ang aktor na si Robin Padilla at Vice-Pres. at noo’y TV broadcaster na si Noli de Castro bilang negosyador dahil sa tala­mak na panghohos­tage ng Abu Sayyaf sa mahigit 50-guro at estud­yante sa Ba­silan. Ngunit tatlong araw din silang idinetine ng ASG.

Kasabay nito, tinutulan din ni Marbel Bishop Di­nualdo Gutierrez na ma­ging peace negotiator si Pacman dahil kinakaila­ngan na may sapat na ka­alaman ang sino mang magiging negosyador dito at malinis ang inten­siyon at walang anumang bahid politika.

Gayunman, wala ani­ ya silang personal na galit kay Pacquiao at malaki ang pag­­hanga nito sa Peoples champ.

Tiwala naman si Justice Secretary Agnes De­van­ dera na malaki ang maitu­tulong ni Pacquiao sa pag­susulong ng kapaya­paan dahil sa tuwinang may laban ito at nananalo ay nagkaka­isa sa pagsa­saya ang mga Filipino. Maituturing din aniyang simbolo ng kapaya­paan si Pacquiao dahil sa tuwing may laban ito ay wa­lang nagaganap na krimen sa buong bansa.

Si Pacquiao ay una ng iti­nalaga ni Pangulong Arroyo bilang ambassador for peace and understanding at intelligence officer ng Department of Justice (DOJ).

ABU SAYYAF

ALING DIONISIA

DEFENSE SECRETARY GIL

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY AGNES DE

MARBEL BISHOP DI

MINDANAO

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with