115 katao sa sugal nalambat

MANILA, Philippines - May kabuuang 115 katao na sangkot sa iligal na sugal ang naaresto na ng tropa ng Inspection, Monitoring and Investigation Services ng National Police Commission sa loob lamang ng tatlong buwan.

Ito ang ipinahayag ni Police Inspector II Erick­son John Santiago, team leader ng IMIS Monitoring Team, bunga ng walang humpay na operasyon na kanilang ginawa alinsu­nod sa direktiba ng Department of Interior and Local Government.

Ayon kay Santiago, ang nasabing bilang ng naaresto ay taliwas sa mga ulat na ang kanyang tanggapan ay nasusu­hulan kapalit ang pagpa­palaya sa mga naares­tong suspek sa mga ope­rasyon nila sa mga KTV bars.

Nilinaw din ni San­tiago na ang tanging mis­yon ng kanilang tangga­pan ay nakatutok sa illegal gambling operations at hindi ang pagsalakay sa mga KTV bars na hindi naman nila ginawa.

Idinagdag niya na na­isampa na nila ang ka­song paglabag sa presidential degree 1602 ng Republic Act 9287 laban sa mga sangkot sa iligal na sugal. (Ricky Tulipat)


Show comments