^

Bansa

Mungkahi ni Nene: Pacman gamitin sa peace talk

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Iminungkahi kahapon ni Senate Minority leader Aquilino Pimentel Jr. na isama si People’s Champ Manny “Pacman” Pac­quiao sa negosasyong pangkapayapaan ng pa­mahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front.       Naniniwala si Pimentel na magiging epektibong ne­gosyador si Pacquiao at papakinggan ito ng mga miyembro ng MILF.       

“Ang suggestion ko, pakinabangan na nila si Manny Pacquiao because maalala nyo, nung unang manalo si Manny at hina­ nap ano possible role nya sa gobyerno, isa ako sa nag-suggest na gamitin siyang peacemaker, negotiator for peace in Min­danao, mahal siya ng mga Moros at Kristyano dun,” sabi ni Pimentel.         

Sinabi pa ni Pimentel na malaki ang implu­wen­siya ni Pacquiao sa mga taga-Mindanao, lalo na sa lider ng MILF at sa mga dating miyembro ng Moro National Liberation Front.        

Ipinaalala ni Pimentel na itinalaga ng Pangulo si Pacquiao bilang ambassador for peace at ngayon ang tamang panahon para gamitin siya ng gob­yerno.    

Sinabi ni Pimentel na, sa halip na magsagawa ng lahatang opensiba laban sa MILF, subukan muna ang pag-uusap. Ipadala sa Mindanao si Pacquiao.      

Nanga­ngam­­ba si Pi­mentel na, kung magpa­patuloy ang bakbakan ng gobyerno at ng MILF, mas marami pang buhay ang malalagas.         

Ipinunto pa ni Pimen­tel na mataas ang respeto ng mga taga-Mindanao kay Pacquiao at iniidolo ang boksingero.


vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL JR.

CHAMP MANNY

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PACQUIAO

SENATE MINORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with