P30 million dagdag na 'pork' hirit

MANILA, Philippines - Karagdagang P30 million ang iminumungkahing pondo sa ‘pork barrel’ ng mga kongresista ang isinu­sulong ni Sorsogon Rep. Jose Solis sa Kamara.

Pabor naman si House Speaker Prospero Nogra­les sa karagdagan pondo dahil makakatulong ang nasabing pera sa mga proyekto nila sa kani-kanilang lugar.

Sa ngayon ay may P70 million ang pondo ng mga kongresista sa kanilang pork barrel o CDF.

Ayon kay Nograles, ang nasabing pera ay hindi magagamit sa eleksyon sa susunod na taon bagkus ito aniya ay pondo sa mga karagdagan proyekto ng kanilang mga constituent. (Butch Quejada)

Show comments