2nd dinner ni GMA inako ng solon

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni Que­ zon Congressman Danilo Suarez na siya ang nagba­yad ng mga kinain ng gru-po ni Pangulong Gloria Arro­yo sa isang restawran sa Washington D.C. kasa­bay ng pagbisita ng huli sa Amerika kamakailan.

Sinabi ni Suarez sa isang panayam na siya ang gumastos sa steaks, lobs­ters at iba pang kinain ng grupo ni Arroyo sa Bobby Vans Steakhouse na unang napaulat na umabot sa halagang $15,000. Pinabu­laanan ng mambabatas na umabot sa naturang halaga ang kanyang binayaran.

Ang nasabing okasyon ay bukod pa sa hapunan   ng grupo ng Pangulo sa ma­mahaling Le Cirque res-taurant sa New York na si­nasabing ginastusan na­man ni Leyte Congress-man Martin Romualdez at uma­bot sa $20,000 ang bina­yaran.

Isa naman sa mga ka­sama ng Pangulo sa Ame­rika na si Manila Congressman Benny Abante ang nagsabing makatriwan at inaasahan lang na ha­han­dugan ng magarbong ha­punan ang isang Pangulo.

Kaugnay nito, hinihingi ni Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares at ng iba pang militanteng mam­babatas sa Kongre- so na imbestigahan ang dala­wang maluhong hapu­nan sa opisyal na pagbisita ng Pangulo sa Amerika. (Butch Quejada)

Show comments