Times Street ipapangalan kay Cory

MANILA, Philippines - Isinusulong ng ilang konsehal ng Quezon City na isunod sa pangalan ni dating Pangulong Cory Aquino ang ilang lansa­ngan sa lunsod.

Sa panukalang ordi­nansa ni 3rd district Councilor Diorella Ma. Sotto, nais niyang pa­ngalanan bilang Pres. Corazon Aquino st. ang Times Street sa Barangay West Triangle, QC kung saan matatag­puan ang ba­hay ng mga Aquino.

Si 4th district Councilor at majority floor leader Antonio Inton Jr. naman ay nais bin­yagang Corazon C. Aqui­no road ang Batasan road.

Ayon sa dalawang kon­sehal, marapat la­mang ibi­gay ang parangal na ito kay Ginang Aquino bilang sim­bolo ng pag­pupugay sa ma­laking nagawa nito sa bansa.

Sa paraang ito anila ay palagiang maaalala ng pub­liko, mga motorista man o sim­pleng pedestrian, ang ka­gitingan ng dating pangulo.

Una nang inapruba­han ng QC council ka­makailan bilang Cory Aquino democracy day sa QC ang January 25, ang araw ng kapa­nganakan ni Mrs. Aquino. (Angie dela Cruz)

Show comments