^

Bansa

Welga ng mga ospital inatras

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Kinansela na ng ilang pribadong ospital ang plano nilang welga laban sa Cheaper Medicine Act na sisimulang ipatupad ngayong buwang ito.

Sinabi kahapon ng head executive assistant ng Department of Health na si Dr. Robert So na nakumbinsi ng mga opis­yal ng DOH ang pamu­nuan ng mga ospital na huwag ituloy ang planong hospital holiday sa Agosto 15 na kasabay ng pani­mulang pagpapatupad sa naturang batas.

Gayunman, sinabi ni So na sa pakikipagpulong nila sa mga miyembro ng Private Hospital Associations of the Philippines, walang garantiya na ihi­hinto ang welga dahil mga kinatawan lang nila ang dumalo sa pulong.

Ayon kay So, ipina­liwa­nag nila sa mga pri­badong ospital na ang mga manufacturer ang sasalo sa mas mababang presyo ng mga gamot at hindi mismong ang mga pagamutan kaya hindi sila dapat na mag-alala.

Umaangal ang mga ospital sa takdang pag­bawas nang 50 porsi­yento sa presyo ng gamot na itinatakda sa Cheaper Medicine Act dahil ma­lulugi sila sa mga gamot na nauna nilang nabili sa mas mahal na halaga.

Samantala, nagba­bala ang militanteng Kilusang Mayo Uno na libu-libong manggagawa ng mga kum­panya ng gamot ang nanga­nganib na mawalan ng tra­baho dahil sa naturang batas.

Sinabi ni KMU Chairman Elmer Labog na da­hil sa gagawing pagtitipid ng mga kumpanya ng ga­mot na bunsod ng Chea­per Medicine Act, mag­tatang­gal ito ng ilang em­pleyado o manggagawa.

Tinatayang 1,700 mang­ gagawa sa dalawa pa la­mang na malaking kumpan­ya ng gamot ang mawawa­lan ng trabaho.


CHAIRMAN ELMER LABOG

CHEAPER MEDICINE ACT

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ROBERT SO

KILUSANG MAYO UNO

MEDICINE ACT

PRIVATE HOSPITAL ASSOCIATIONS OF THE PHILIPPINES

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with