Cory propeta, ayon sa pari

MANILA, Philippines - Para kay Caritas Manila Executive Director Father Anton Pascual na siya ring pinuno ng Radio Veritas, isang pro­peta ng kasalukuyang pana­ hon si dating Pa­ngulong Cora­zon Aquino dahil naging gabay ito ng ma­ma­ma­yang Pilipino upang ma­kamit muli ang kala­yaan at demokrasya sa bansa.

Sinabi ni Pascual na, sa panahon ng krisis, pagsubok at jubilation, ang Panginoon ay pala­ging nagpapadala ng isang “propeta.”

Ipinaliwanag ni Pas­cual na ang naturang “pro­peta” aniya ay si­yang gagabay sa mga mama­mayan upang ma­ging tapat sa Panginoon, ma­muno at maging ka­talista ng pagbabago sa bayan.

Sinabi pa ni Pascual na tiyak na sa pagka­matay ni Aquino ay isang panibagong pro­peta ang ipadadala ng Panginoon na siyang tutulong sa mga Pilipino sa kasa­lukuyang proble­ma na kinakaharap nila ngayon. (Mer Layson)

Show comments