MANILA, Philippines - Inaasahang darating sa bansa ngayong Martes ang bangkay nina Manolito C. Hornilla ng Taysan, Batangas at Leopoldo Jimenez Jr. ng Lubao, Pampanga na kabilang sa 10 overseas Filipino worker na nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter sa Afghanistan noong Hulyo 10. Eroplano ng Kuwait Air Flight QR 135 ang maghahatid sa labi ng dalawa na lalapag bandang alas-3:00 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang walo pang OFW na inaantabayanang matukoy mula sa mga narekober na mga labi ay sina Celso Caralde ng Gingoog City, Misamis Oriental; Ely Cariño ng Cabusao, Camarines Sur; Ernesto De Vega ng Naic, Cavite; Mark Joseph Mariano ng Floridablanca, Pampanga; Marvin P. Najera ng San Fernando, Pampanga; Rene Taboclaon ng Cagayan de Oro City; Recardo E. Vallejos ng Bislig, Surigao del Sur at Noli M. Visda, tubong Lubao, Pampanga. (Butch Quejada at Ellen Fernando)